Yosi

I made this while riding a bus on my way home from school. Random thoughts.. Not based on my own feelings hehehe


Nakakita ako ng isang lalaki na naninigarilyo sa kanto.

Matapos ibuga ang usok ay inilaglag nito ang yosi at saka lumakad palayo.

Naalala ko ang sarili ko rito.

Sapagkat tulad ko ang sigarilyong iyon na pagkatapos mong gamitin ay kaya mo nang bitawan at kaya mo nang iwanan.

Tulad ko ang sigarilyong iyon na gagamitin mo lamang para kumalma

Na gagamitin mo kapag libreng oras mo na.

Masakit.

Iisipin ko na lamang na kahit isa akong yosi para sa’yo ay may halaga parin ako.

Na kahit tatlong piso lang ang katumbas ko ay bibilhin mo parin ako sapagkat kailangan mo ako.

Kaya ko naman na tanggapin ang lahat ng ito.

Ngunit lintik ang walang ganti.

Kahit ginagamit mo lang ako ay kaya kitang patayin unti unti.

Hanggang sa ika’y magsisisi

Hanggang sa mabuksan ang iyong isipan na sana hindi mo nalang ako sinubukan.

Na sana hindi mo nalang ako sinindihan.

Ngunit heto pa ang masakit

Akala ko isa lang ako na iyong ginagamit.

Subalit isang kaha pala kami.

Isa sa umaga, sa tanghali at gabi.

Sige, paninindigan ko nang maging isang tanga.

Maging pandandaliang pang pa kalma.

Dahil ito ay mas mabuti pa.

Kaysa naman na maging ako ikaw na ang kamatayan ay natatanaw ko na.

broken-broken-heart-cigarette-cry-favim-com-1995199

Source:  tumblr

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s